Archive for April, 2006

Cries and Pleas on a Dark and Angry Sea

Thursday, April 6th, 2006

I am searching for peace,

            for my heart and for my soul.

I wanted to be free,

            from a memory that never stops hunting me.

I am searching for silence,

            but her voice still fills the air.

I can still see her pleading for help,

            afraid of drowning on that dark and angry sea.

But because I envy her,

            I ignored all of her cries and pleas.

Yes, I envy her…

            I envy her beauty,

            I envy her wit.

            I envy how people envy her.

            I envy everything in her.

I can never forget how she was drowned,

            on that dark and angry sea.

We were on an outing then,

            rejoicing for a job well done.

Suddenly she said she wanted to feel the water,

            on that dark and angry sea.

I warned her not to for it was perilous,

            but she persisted.

Several minutes later,

            I heard her cries as well as her pleas.

She screamed for help,

            but I refused and ignored her.

And now I am searching for forgiveness,

            even if I know that its too late.

I wanted her to exonerate me,

            but I know she’ll never do.

Because until now I’m still on this darkness,

            and reminding me how she drowned,

                        On that dark and angry sea.

ang maraming ako

Monday, April 3rd, 2006

Ako ay isang dahon…

Na itinatangay ng hangin sa dako roon.

Hindi ko alam kung saan ako patungo;

Hindi ko rin alam kung kailan ako hihinto…

Ako ay isang maskara…

Maskarang nakukulayan ng iba’t-ibang pintura.

Sa kaliwang bahagi ay nakangiti;

Sa kanang bahagi nama’y nakahikbi…

Ako ay isang gitara…

Gitarang tumutugtog ng iba’t-ibang musika.

Minsan ako ay nasa tono;

Kung minsan nama’y sintunado…

Ako ay isang ilaw…

Sa daang napaka panglaw.

Nais kong bigyang liwanag

Ang isang lugar na hindi mabanaag…

Ako ay isang tampipi…

Na ang layunin ay magkubli

Ng samu’t-saring kagamitan

Na pilit nang kinalimutan…

Ako ay ang maraming ako…

Na sa tuwina ay nagbabago

Ngunit may isang bagay na ako ay sigurado

Ako ay mananatili pa rin sa pagiging ako…..

pag-iyak

Monday, April 3rd, 2006

            Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Maraming bakit, maraming paano. Siguro dahil maraming bagay din ang hindi ko maintindihan. Tulad na lamang ng pag-iyak. Bakit nga ba umiiyak ang mga tao? Dahil ba sa sakit? Sa pagsisisi? Sa galit? Sa pangungulila? Sa pagkawala ng isang minamahal? Sa lungkot? Sa sobrang tuwa? Bakit nga Ba?

            Sa tingin ko, ang lahat ng mga nabanggit ko, lahat iyon ay maaaring maging dahilan ng pag-luha. Naaalala ko tuloy noong ako ay musmos pa. Madalas kasi akong umiiyak pagkagising ko. Bakit? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko na marahil maalala kung bakit. Nakakatuwa ano? Pero may mas nakakatawa pa riyan. Na-realize ko kasi, hanggang ngayon pala ganoon pa rin ako. I still wake up crying. In a deeper sense nga lang. Pero parang ganon din e. Paano ko nasabi? Ganito, nag-isip ako ng tatlong dahilan kung bakit umiiyak ang isang bata sa kanyang pag-gising.

            Unang dahilan: maaaring nanaginip siya ng masama. Pangalawa: maaaring nagugutom siya. At pangatlo: maaari rin namang dahil noong siya ay matulog ay may katabi pa siya pero sa kanyang pag-gising ay wala na.

            Gaya ng isang bata, umiiyak din ako pagkagising mula sa isang masamang panaginip. Panaginip na akala ko’y hindi nangyari. O mas tamang sabihin na sinasabi ko lang sa aking sarili na panaginip lamang ang lahat. I’m just making myself believe that it was just but a bad dream, kahit na ang realidad na ang nagsusumigaw at nagsasabing ito ay hindi panaginip kundi isang katotohanan. Isang katotohanan na pilit kong tinatalikdan. Pero just the same…umiiyak pa rin ako.

            Isa pang dahilang ibinigay ko kanina kung bakit umiiyak ang isang bata sa kanyang pag-gising ay dahil gutom siya. Naisip ko, ganon  din pala ako. Hindi man ako tulad ng isang bata na gutom sa anumang makakain, minsan ay maituturing din akong gutom. Gutom sa atensyon, gutom sa pang-unawa at gutom sa pagmamahal. Hindi ko naman sinasabing walang nagmamahal at umuunawa sa akin. Alam kong meron, marami sila. Pero parang may kulang pa rin. Kung ano o sino iyon, hindi ko alam. Dahil doon, umiiyak pa rin ako.

            May mga panahon din na ako ay tulad ng isang batang umiiyak dahil wala nang katabi sa kanyang paggising. Dumarating din ako sa puntong marami akong hinahanap na mga tao pero sa kasamaang palad ay hindi ko sila makita. Mayroon akong mga gustong makasama pero wala sila. These are the times when I feel so alone and depress. Iyon bang kulang na lang ay mag-arkila ako ng taong pwede kong makausap, pwede kong masabihan ng mga problema, o kahit makasama ko man lang. Sa madaling salita, naghahanap ako ng kakampi. Isang taong kaya akong damayan at ipagtanggol. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, kung minsan ay wala akong mahanap. Dahil doon, umiiyak nanaman ako.

            Kung iisiping mabuti at kung aaminin ninyo rin sa inyong mga sarili, hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito. Kundi, lahat tayo. Lahat ng taong dumaan sa pagkabata. I mean, all of us are still like a child who wakes up crying simply because there are still childish sides within us. Mga bata pa rin tayong maituturing kung pag-iyak ang pag-uusapan. May iba’t-ibang dahilan man, still…umiiyak pa rin tayo.