ang sad…. :(
Wednesday, October 19th, 2005Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang
isang
perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung
mahal ko. ‘Yan ang sabi ko sa ‘yo nung
minsang napag-usapan natin ang mga love
life natin. Pareho tayo ng pag-iisip sa bagay
na ito. Pareho tayong naniniwala na meron
ngang tao na nilaan para lang sa atin. DATI,
AKALA KO IKAW NA ‘YON. NAGYON KO LNG
NAISIP NA BKA NGA NDI TAYO PRA SA
ISA’T -ISA. Kung aalalahanin ko lahat ng
dinaanan ko dahil sa iyo,
MAPAPABUNTUNGHININGA NA LANG KO.
Sabi ko nga, MAHIRAP MAGING KAIBIGAN
MO,pero MAS MAHIRAP NA MAHALIN KAAT
MAGING KAIBIGAN MO LANG. Bilang
kaibigan, kailangan kong ipakita
ang suporta ko sa lahat ng gusto mong
gawin.
Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing
masaya ka. Kailangan ipakita ko na natutuwa
ako sa mga kakiligan mo kapag kasama mo
siya. Kailangan nakangiti ako kahit
malungkot ako. Lahat nang ito ginagawa ko
dahil gusto kong malaman mo na tunay
akong kaibigan. At dahil mahal kita. Kung
pwede nga hindi na ako magpapakita sa yo
para lang hindi ako masaktan. Pero mahal
kita. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung
bakit hindi ako umaalis sa tabi mo. Para sa
akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi
ako nawawalan ng pag-asa sa ‘yo.
Pero ngayong napapaisip ako, hindi lang
naman kalungkutan ang dinala mo sa akin.
Ang ganda rin pala ng pagkakaibigan natin.
May mga araw na kapag magkasama tayo,
tawa lang tayo ng tawa.Siguro weirdo talaga
tayo pareho, magka-wavelength. May mga
araw naman na sobrang seryoso ng usapan.
Tungkol sa mga problema sa pamilya, mga
prinsipyo sa buhay at mga pangarap
na gusto nating abutin. Pero may mga araw
rin na wala kang kakwenta-kwentang
kausap. Yun yung mga beses na kahit
tahimik lang, ok na para sa atin.
Kapag kasama kita, sobrang kumportable
ako. Kaya kong maging ako tuwing kasama
kita. Kaya kong sabihin lahat-lahat at ipakita
ang buong pagkatao ko sa yo dahil alam
kong tatanggapin mo pa rin ako bilang
kaibigan.Ito ang hindi ko nakita noon. Dahil
sa pagkabulag ko sa pagmamahal ko sa ‘yo,
isinumpa ko ang pagkakaibigan natin. Lagi
kong naiisip na kaibigan lang kita. Hindi ako
nagpasalamat sa pagkakaibigan natin.
Ngayon lang ako natutuwa na kahit papaano,
kaibigan kita. Masaya ako na dumating ka sa
buhay ko, kahit para maging kaibigan ko
lang. Isa ka sa mga biyaya na ibinigay sa
akin at nagpapasalamat ako dahil dito.
MASAYA AKO DAHIL KABIGAN KITA AT DAHIL
NAMAMAHAL KITA NG GANITO. SIGURO
NGA HANGGANG DITO NA LANG ANG
PAGMAMAHAL KO SA IYO. HANGANG
KAIBIGAN NA LANG.Kahit ibigay pa sa kin ng
Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin
ko pa rin yung mahal ko. ‘YAN ANG SABI KO
SA’YO. SABI KO SA’YO MAS PIPILIIN PA RIN
KITA. Na kahit sino pang mas gwapo, mas
matalino, mas mabait, o mas may prinsipyo
pa ang dumating sa buhay ko, ikaw pa
rin. Kung gugustuhin mo lang, ikaw pa rin.
Ikaw pa rin. ‘Yan ang sabi ko sa iyo. Bingi ka
lang.Manhid pa.Siguro nga hindi talaga tayo
para sa isa’t isa.